Who couldn't have known Marcelo Santos III and his famous love stories
Pensheet team had an opportunity to interview our fellow blogger and PUPian Marcelo Santos III last week and chitchat goes..
Can you tell us a little about yourself?
- I’m Marcelo Santos
III, 21 years old. Advertising graduate from PUP Sta. Mesa.
How you first got involved in with blogging? And what interest you unto it?
- Nung third year
college ako. It was on Dec. 2009. Wala lang. Naisipan ko lang ishare yung mga
ideas ko online, kasi doon maraming tao. Sa internet na yung focus ng mga tao
ngayon. Pero yung pagsusulat ko, nagstart siya nung highschool pa lang ako.
More on tula at short stories yung ginagawa ko at yung genre ay more on humorous.
What do you find most challenging about blogging about your topic?
- Ang challenging part
sa akin ay yung magiging perception ng tao tungkol sa mga stories na gagawin
ko, kung paano ko tignan yung bawat sides ng love stories.
What inspire you to write stories?
- Ito ang
pinakamahirap na tanong na laging tinatanong sa akin tuwing may mga mag-iinterview
sa akin. Minsan kasi nakukuha ko yung inspirasyon sa mga simpleng bagay: mga
payo ng kaibigan o ng ibang tao, mga kwento nila, mga taong nag-aabang ng
gagawin ko pa. Mahal ko kasi talaga ang pagsusulat kaya siguro kahit anong
bagay o pangyayari ay nagiging inspirasyon para sa akin.
Tell me about some of the people you’ve met while working on your
blog?
- Marami na rin
akong nakikilala dahil sa paggawa ko ng mga blogs ko, mga taong nagkukwento ng
mga love stories nila. May isa pang mambabasa na inaya pa ako makipagkita sa
kanya kasi natutuwa siya sa mga ginagawa ko. May mga teachers din na
nagmemessage sa akin na ginagamit nila yung gawa ko sa mga lessons nila. May
mga nakilala rin ako sa ibat ibang lugar tulad sa Cagayan de Oro, Iloilo,
Baguio, Palawaan, karamihan sa kanila ay mga estudyanteng nagbabasa ng blogs
ko. May mga artista din na nakilala ko dahil sa paggawa ko ng blogs tulad nina
Sam Concepcion, Gerald Santos at iba pang personalidad tulad nina Kimpoy at
Jamich.
How would (someone) describe your blogging style?
- Kakaiba daw yung
style ko dahil para lang daw akong nakikipag-usap sa kanila. Kakaiba dahil
nag-integrate ako ng tatlong elements sa blogging – music, video and the
stories itself.
What do you do when you aren’t working on your blog?
- Nanonood ng mga
pelikula, nag-iinternet, kumakausap ng mga tao para makakuha ng inspirasyon.
Are you a full time blogger? How did you get into blogging and why?
- Hindi po ako full
time blogger. Pero maraming time pa rin ang na-spend ko sa pagsusulat.
What networking do you do that you feel helps your blogging business?
- Ginamit ko ang
Facebook para ishare sa mga tao ang mga nagawa ko. Dahil alam kong halos lahat
may facebook kaya mas marami ang mari-reach ng blog ko. Gumagamit din ako ng
ibang social networking sites like twitter tumblr and youtube.
How do you keep coming up with material/content for your blog? Many people struggle with coming up with different articles/posts and they only have one blog.. Whats your strategy with your blog in general?
- Sa genre ko kasing
LOVE, maraming pwedeng maging blog entry. Minsan kumakausap ako ng mga tao para
sa mga susunod ko pang blog. Kumbaga, marami akong sources for blog.
What would you prioritize? Content?? Readers?
- Siguro yung
content. Kasi kung ano ang laman ng blog ko, ayun ako. Nirerepresent niya ang
utak at paniniwala ko.
What’s the best thing a blogger can give to his readers?
- Inspiration.
Siguro ayun na yung maaring mabigay ng isang blogger tulad ko sa mga mambabasa
niya.
A lot of people are interested in blogging for the money earning potential. What are some tips for people interesting in making money from blogging? What are some realistic expectations in regards to what can be made?
- Siguro, dapat yung blog nila ay interesting. Yung tipong
maraming tao ang magvivisit ng blog nila dahil doon magbabase ang earning. May
mga bloggers din na nagpapabayad para gumawa ng review for a certain product or
services. Siguro, they need to advertise theirselves para makita o makilala ng
iba pang clients.
What has been your strategy for creating visibility to yourself and your blog?
- Thru networking.
More on advertising.
What was the most challenging moment in your blog content development process and why?
Everyone has a favorite/least favorite post. Name yours and why?
- Minsan nararansan
natin yung writer’s block. Yung wala tayong masulat. Dun ako nahihirapan.
Favorite post: Wishlist Series. Mas marami kasing taong nagandahan sa istorya.
At malapits a puso ko yung istorya dahil inspired yun sa mga taong malapit sa
akin
What’s your take on sponsored reviews?
- Ok lang naman.
Pero minsan, hindi nakikita yung negative sides ng isang nagpapareview (kasi
nga more on positive reviews dapat) nagiging biased pagdating sa part ng
readers.
If someone was interested in blogging, what would be a few things you
would suggest?
-
Wag silang titigil. Minsan kasi dadating yung
point na parang walang nagbabasa o pumapansin sa mga gawa mo. Patience lang.
Wag mong ipressure yung sarili mo makagawa ng isang blog. Take time.
Marcelo really deserves all the positive feedbacks and recognition. Coz he started doing this not really for the fame but just simply loving what he does.
ReplyDelete